Maglalabas na ng subpoena ang National Bureau of Investigation sa mga opisyal ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee o PHISGOC sa Lunes.
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag kasama sa ipapasubpoena ang former Chairman na si Ramon Suzara, Chief Financial Officer Dexter Estacio, Corporate Secretary Lester Buenconseho at iba pang board members.
Ang subpoena naman ay para sa ginagawang fact-finding investigation ng NBI sa mga anomalya noong 2019 sea games.
Nauna nang sinabi ni Matibag na ang PHISGOC ay isang non-government organization na pinondohan ng higit ₱2B noong 2019 sea games.
Kabilang sa sisilipin sa audit ay ang mga ibinayad sa opisyal, mga biniling uniporme at mga pagkain sa mga atleata partikular na ang kontrobersyal na “kikiam” o chicken longganisa. | ulat ni Louisa Erispe