Photo Courtesy of COMELEC
Limang aspirante ang naghain ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) para sa espesyal na halalan sa pagka-kongresista ng Ika-apat na Distrito ng Cavite.
Sa huling araw ng paghahain kahapon, Hulyo 17, naghain ng COC si Dasmariñas City Mayor Jennifer Austria-Barzaga, ina ni Ex-Congressman Francisco Barzaga. Kasama rin sa mga nag-file ng kanilang COC ay sina Raul Rex Del Rosario Mangubat, Marvin Opamin Dupal-ag, Leysander Aguilar Ordenes, at Jacinto Bautista Frani Jr.
Itinakda ng Comelec ang special election sa Agosto 29 habang magsisimula naman ang kampanya sa Hulyo 30 hanggang Agosto 27.
Kasabay ng election period mula Hulyo 30 hanggang Setyembre 13 ang pagpapatupad ng gun ban sa Dasmariñas City.
Isasagawa ang special election upang punan ang nabakanteng puwesto sa Kamara matapos mapatalsik si dating Cavite 4th District Representative Francisco “Kiko” Barzaga Jr. dahil sa samu’t sari at paulit-ulit na violations.