Photo Courtesy of CHED
Isinusulong ng Commission on Higher Education (CHED) at Department of Migrant Workers (DMW) ang panukalang Philippines-Singapore Nursing Educators Scholarship Scheme.
Sa pulong nina CHED Chairperson Shirley Agrupis at DMW Secretary Hans Leo Cacdac, tinalakay ang layunin ng programa na tulungan ang mga Pilipinong nurse sa Singapore na ipagpatuloy ang kanilang postgraduate studies habang nananatiling nagtatrabaho.
Inaasahang babalik sa Pilipinas ang mga benepisyaryo upang maging mga nursing faculty member o clinical instructor.
Tutulong ang CHED sa pagbuo ng scholarship policy, pagkilala sa mga kwalipikasyon ng mga aplikante, at pagpapadali sa pagbabalik ng mga scholar sa mga paaralan.
Tinalakay rin ng dalawang ahensya ang iba pang mga programa para sa mga OFW at returning migrant worker.
Bahagi ang panukala ng lumalawak na educational partnership ng Pilipinas at Singapore, kung saan may 47 aktibong ugnayan sa pagitan ng mga institusyong pang-edukasyon sa Pilipinas at ng mga partner institution sa Singapore.