Photo courtesy of DepEd Philippines
Ipinakilala ng Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang One Education, isang programang mag-uugnay sa basic education, higher education, at technical-vocational education and training (TVET).
Inanunsyo ito sa 3rd Joint Education Trifocal Management Committee Meeting sa Baler, Aurora.
Layunin ng programa na gawing mas madali ang paglipat ng mga estudyante mula sa pag-aaral patungo sa mundo ng trabaho.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, mas magiging malinaw ang landas ng mga mag-aaral patungo sa kolehiyo, skills training, negosyo, at trabaho.
Kasabay nito, inilunsad din ang Education Reform Fellowship at nilagdaan ang kasunduan para sa Project TAHANAN, na naglalayong palakasin ang pagpapatupad ng mga reporma at pagbutihin ang learner tracking system sa bansa.