Nananatiling positibo ang year-on-year growth sa average farmgate price ng palay sa bansa nitong Setyembre, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Batay sa datos ng PSA, bagama’t bumaba ang average farmgate price ng palay noong Setyembre kumpara noong Agosto, mas mataas pa rin ito kumpara sa presyo noong nakaraang taon.
Naitala sa ₱20.84 kada kilo ang average farmgate price ng palay noong Setyembre, mas mababa sa ₱22.16 kada kilo noong Agosto.
Gayunman, mas mataas ito ng 33.6% kumpara sa ₱15.60 kada kilo na naitala noong Setyembre ng nakaraang taon.
Sa mga rehiyon, Central Visayas ang nagtala ng pinakamataas na farmgate price sa ₱24.60 kada kilo, habang pinakamababa naman ang MIMAROPA sa ₱18.85 kada kilo.
Dagdag pa ng PSA, lahat ng rehiyon, maliban sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), ay nagtala ng positibong year-on-year growth sa farmgate price ng palay nitong Setyembre.