Patuloy na pinaiigting mg Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pre-positioning ng Family Food Packs bilang paghahanda sa El Niño.
Noong Lunes, Octobet 12, ipinagpatuloy ng mga tauhan ng DSWD ang pagkakarga at repacking ng mga family food packs sa Luzon Disaster Resource Center (LDRC) sa Pasay City.
Nakatakdang ipadala ang mga relief pack sa DSWD Field Office V sa Bicol Region at sa DSWD-MIMAROPA para mapalakas ang kahandaan ng mga tanggapan sa pagtugon sa mga emergency, kalamidad, at epekto ng tagtuyot.
Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na pabilisin ang paghahatid ng tulong sa mga pamilyang nangangailangan ng tulong, lalo na sa mga apektado ng El Niño.
📸 DSWD

