Screenshot
Nananatiling manipis ang suplay ng kuryente sa Visayas Grid ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Ito ang dahilan ayon sa transmission company kaya’t isasailalim nila sa Yellow Alert ang naturang grid mula alas-6 hanggang alas-7 mamayang gabi.
Ayon sa NGCP, nananatiling bagsak ang pitong planta habang may 17 gumagana subalit nasa derated o kulang na suplay ng kuryente.
Itinataas ang Yellow Alert status kapag hindi nagtutugma ang operating margin sa kinakailangang suplay ng kuryente para sa transmission para maabot ang contingency requirement.