Photo courtesy of Department of Education (DepEd)
Mahalaga ang suporta ng mga magulang, komunidad, lokal na pamahalaan gayundin ng iba’t ibang sektor upang mapanatiling ligtas ang mga paarala mula sa ano mang karahasan.
Ito ang binigyang diin ni Education Secretary Sonny Angara matapos ang isinagawang National Safe School Summit, kamakailan.
Sa ngayon ani Angara, nakatuon ang kanilang atensyon sa “proactive prevention” bilang pagtalima sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sinabi ni Angara, na mahalagang palakasin ang mga pamamaraang poprotekta sa mga paaralan dahil sa sunod-sunod na insidente ng karahasan na pawang mga mag-aaral din ang sangkot.
Nabatid sa active threat drill, na ipinag-utos na sa mga paaralan, dapat ay magkaroon ng kani-kanilang active threat response plan ang mga paaralan na angkop sa kanilang partikular na kapaligiran sa halip na gumamit ng “one-size-fits-all” na template.