Ilang senior officials ng PNP, umangat ng ranggo
Na-promote ang limang senior officials sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Batay sa inilabas na promotion order ng PNP na may petsang July 16, umangat sa pagiging Police Major General sina: PBGen. Redrico Maranan na acting Director ng Philippine National Police Academy (PNPA) at PBGen. Dindo Reyes na hepe ng Directorate for Controllership.
Makukuha naman ng tatlong Colonel ang kanilang unang estrella para sa ranggong Police Brigadier General sina:
PCol. Pierre Figueroa
PCol. Ronaldo Fulo
PCol. Aaron Mandia
Nagpaabot naman ang PNP ng pagbati sa bagong promote na opisyal.