Hinikayat ng prosecution panel ang publiko na ibase ang kanilang opinyon at paghatol sa mga ilalatag na ebidensya sa Senate impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, sa halip na maniwala sa fake news.
Ang panawagang ito ay ginawa nina House prosecutor at Manila Representative Joel Chua, kasama si private prosecutor Atty. Lorna Kapunan.
Bilang tugon sa mga naglalabasang pekeng balita online, siniguro ni Chua na patuloy na ipapaliwanag ng prosecution team ang takbo ng paglilitis sa wikang madaling maiintindihan ng mga ordinaryong Pilipino.
Sa pamamagitan nito, mas madaling maikukumpara ng mamamayan ang mga kwento sa internet sa mga aktwal na testimonya at dokumentong ihaharap sa Senado.