Nagsimula na ang pasiklaban ng mga kalahok na kusinero at kusinera sa National Finals ng Walang Gutom Kusinero: Cook-Off Challenge 2026, na bahagi ng Walang Gutom Program (WGP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ginaganap ito sa M.I.C.E. Center sa Quezon City kung saan nagtatapat ang regional champions mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao.
Bahagi ito ng Walang Gutom Program (WGP), isa sa flagship program ng pamahalaan na layong isulong ang wastong nutrisyon at masustansyang pagkain sa mga benepisyaryo ng programa.
Mga benepisyaryo din ng WGP ang mga kalahok sa kompetisyon na ipinamalas ang kanilang natutunan sa nutrition education sessions ng DSWD sa pamamagitan ng mga putaheng masustansya, masarap, at abot-kaya.
Ayon sa DSWD, layon ng patimpalak na mahikayat ang mga benepisyaryo na maghanda ng masustansyang pagkain para sa kanilang pamilya gamit ang mga natutunang kaalaman sa programa.
Inaasahan namang pangungunahan ni First Lady Liza Araneta Marcos ang magiging kampeon sa National Finals ng Walang Gutom Kusinero: Cook-Off Challenge 2026
Ang Walang Gutom Program ay isa sa mga flagship program ng pamahalaan na nagbibigay ng Php3,000 buwanang food credits sa mga kwalipikadong low-income households upang makatulong sa paglaban sa gutom at malnutrisyon.