dhsud-condo-4ph - 1
Iniulat ng Department of Human Settlements and Urban Developments (DHSUD) na umabot na sa 15,674 na bahay ang napondohan sa ilalim ng Expanded 4PH Program mula Enero hanggang Oktubre ngayong taon.
Ayon kay DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling ,katumbas ito ng halos 15 beses na pagtaas kumpara sa 1,227 bahay noong kaparehong panahon noong 2025.
Umabot naman sa P16.20-Bilyon ang halaga ng mga naipautang ng Pag-IBIG Fund, mula sa P1.06 bilyon noong nakaraang taon.
Sa ilalim ng programa, nag-aalok ang pamahalaan ng subsidized housing loan na may tatlong porsiyentong interes kada taon.
Layunin nitong palawakin ang access sa abot-kayang pabahay, lalo na para sa mga pamilyang mababa ang kita.