Nakipagpulong sa Department of Trade and Industry ang renewable energy company na Yude Solar Technologies Co., Ltd.
Ito ay upang pag-usapan ang plano ng nasabing kumpanya na mamuhunan sa Pilipinas sa sektor ng enerhiya.
Kung saan, nakipagpulong si Yude Solar Technologies Co., Ltd. representative Mr. Yudong Bao kay Trade Secretary Cristina Roque, at kapwa napag-usapan sa nasabing pagpupulong ang pagnanais ng kumpanya na mamuhunan sa energy sector ng bansa at magbigay ng mas maayos na supply ng renewable energy sa Pilipinas.
Nagpasalamat naman si Secretary Roque sa nasabing pagpapahayag ng interes ng kumpanya na mamuhunan sa bansa.
Malaking ambag ito, ani ni Roque, sa pangkalahatang investments sa ating bansa.