NAPOLCOM
Pormal nang naglunsad ng scholarship program ang National Police Commission at PHINMA Education para sa mga kwalipikadong dependents ng mga tauhan ng NAPOLCOM at Philippine National Police.
Sa ilalim ng NAPOLCOM–PHINMAEd Kaagapay Scholarship Program, hindi bababa sa 12 scholars ang makatatanggap ng full college scholarship simula School Year 2026–2027.
Ayon kay NAPOLCOM Commissioner Rafael Vicente Calinisan,maaari nilang gamitin ang scholarship sa anumang degree program na inaalok ng 12 paaralan ng PHINMA Education sa bansa.
Bukod dito, naglaan din ang PHINMA Education ng karagdagang Hawak Kamay scholarship slots para sa iba pang kwalipikadong dependents.
Layunin ng programa na suportahan ang kapakanan ng mga pulis at kawani ng ahensya sa pamamagitan ng pagbibigay ng oportunidad sa edukasyon. | ulat ni Rey Ferrer