Higit sa tatlumpung milyong mga estudyante na ang nakabenepisyo sa mga subsidiyang ipinagkakaloob ng gobyerno.
Ayon ito kay Executive Secretary Ralph Recto, kasabay ng pagtiyak na magpapatuloy ang pagtulong sa mga karapat-dapat na mag-aaral sa ilalim ng Presidential Scholarship Program upang sila ay makatapos.
Sinabi ni Recto, pinasisiguro ng Pangulo na sa lahat ng barangay sa Pilipinas ay dapat na may makapagtapos na mga kabataan, at patunay aniya ang scholarship program sa dedikasyon ng administrasyon sa paghubog ng kinabukasan ng mga kabataang Pilipino.
Dagdag ng Executive Secretary, nais ding tugunan ng programa ang aniya ay nakababahalang mga bilang ng mga bumibitiw na estudyante sa gitna ng kanilang pag-aaral sa kolehiyo.
Nasa 29% umano ang malapit nang magtapos sa kolehiyo ngunit nanganganib na bumagsak o hindi magtuloy dahil sa kakulangan sa pinansyal.