Nagsagawa ng medical evacuation ang Philippine Coast Guard (PCG) sa isang tripulante ng pampasaherong barko na nakaranas ng mga sintomas ng mild stroke sa karagatang sakop ng Tingloy, Batangas.
Ayon sa PCG, patungong Maynila mula Cagayan de Oro City ang barko nang lumala ang kondisyon ng 57-anyos na third engineer malapit sa Maricaban Island.
Natagpuan ng rescue team na gising at tumutugon ang pasyente bago ito ligtas na inilipat sa rigid hull inflatable boat at dinala sa Batangas Port.
Isinakay ang tripulante sa ambulansiya at dinala sa Batangas Health Care Specialists Medical Center para sa karagdagang pagsusuri at paggamot.

