Personal na kinamusta ni Cabinet Secretary Benhur Abalos ang mga residenteng tinamaan ng magkakasunod na lindol at flash floods sa Jose Abad Santos, Davao Occidental.
Base na din ito sa naging direktiba sa kanya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyaking tuloy- tuloy na naibibigay ang pangangailangan ng mga pamilyang tinamaan ng kalamidad.
Kasama ni CabSec Abalos sina Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian, Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara, at Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon.
Partikular na binisita nina Abalos at mga kapwa nito kalihim ang Sitio Kibatang, Barangay Sugal, at ang evacuation site sa Sitio Talanasan.
Doon ay kanilang siniguro ang agarang paghahatid ng tulong, koordinasyon ng mga ahensya ng pamahalaan, at karagdagang pinansyal na ayuda para sa mga apektadong pamilya.

