Pinalakas ng 104th Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 1 (RMFB1) ang pakikipag-ugnayan sa Local Government Unit (LGU) ng Rosales, Rosales Municipal Police Station (MPS), at Rosales National High School (RNHS) upang palakasin ang seguridad sa mga paaralan at karatig-komunidad sa ilalim ng Safer Cities Initiative.
Naging pangunahing pokus ng ginanap na inter-agency coordination meeting at security consultation ang pagpapataas ng presensya ng pulisya pagpapahusay sa seguridad sa loob at labas ng kampus, at ang pagbuo ng mabilisang pamamaraan sa pagbabahagi ng impormasyon at pagresponde.
Isinagawa ang hakbang na ito matapos maitala ang ilang security concerns na kinasangkutan ng Rosales National High School upang agad na maagapan ang anumang hindi inaasahang insidente.
Pinangunahan ang pulong ni PLT Aljo Rondon sa ilalim ng pamamahala ni PCPT Raymond Rhys Walin, Acting Company Commander ng 104th MC. Nakiisa rin sa talakayan sina Rosales Municipal Mayor Hon. Liam Cezar, Rosales MPS Chief of Police PMAJ Arnold Soriano, RNHS Principal IV Mrs. Rowena Lea Moreno, kasama ang iba pang kinatawan mula sa sektor ng edukasyon, mga magulang, at mga stakeholder sa lokal na pamahalaan.
Ang proactive na hakbang na ito ay bahagi ng mas malawak na adbokasiya ng Philippine National Police (PNP) sa ilalim ng pamumuno nina PBGEN Jovencio Badua Jr. at PCOL Fidel De Guzman Junio sa PRO1.
📷 104th Maneuver Company RMFB 1