Binahagi ni Senador Ping Lacson na may hindi bababa sa dalawang pinaghihinalaang ghost infrastructure projects sa Taguig City.
Batay sa paunang natuklasan ng grupo nina Lacson, napansin ang maraming slope protection at drainage projects sa lungsod.
Karamihan aniya sa mga ito ay nagkakahalaga ng 100 million pesos bawat isa at may pinagsamang halaga na 2.085 billion pesos.
Nauna nang sinabi ni Lacson na kabilang sa kanilang mga paunang natuklasan ang mga proyektong kinasasangkutan ng mga kumpanyang pagmamay-ari ng pamilya Discaya pero pinatupad ng ibang kontraktor sa illaim ng 5 percent royalty scheme.
Mayroon rin aniyang mga proyektong pinagkaloob sa topnotch catalyst builders, na kabilang sa top 15 na flood control projects contractors na binaggit noon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Inihayag ni Senator Ping na patuloy siyang nangangalap ng documentary at testimonial evidences kaugyan ng 6.79 billion pesos na budget insertions ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano gayundin ang sinasabing 25 percent kickback sa mga slop protection at iba pang infrastructure projects. | ulat ni Nimfa Asuncion