Welcome sa Digital Pinoys ang pagbibigay-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa digital transformation sa kanyang ika-limang State of the Nation Address (SONA).
Partikular rito ang hakbang sa patuloy na pagpapalawak ng internet connectivity, artificial intelligence (AI), online safety, at digital innovation.
Ayon sa grupo, ang pamumuhunan sa digital infrastructure ay susi para hindi mapag-iwanan ang Pilipinas sa digital economy.
Suportado rin ng Digital Pinoys ang pagsusulong ng AI sa mga sektor tulad ng kalusugan, edukasyon, agrikultura, disaster response, at serbisyong pampubliko, kasabay ng panawagang tiyakin ang proteksyon sa privacy, seguridad, at karapatan ng mga mamamayan.
Ayon sa grupo, malinaw na nailatag ng Pangulo ang isang comprehensive digital agenda at handa silang makipagtulungan sa pamahalaan at iba pang stakeholders para maisakatuparan ito.


