Ipinagmalaki ng Philippine National Police (PNP) na pangkalahatang naging mapayapa ang ika-5 State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr kahapon.
Ayon kay PNP Chief, Police Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., naging posible ito dahil sa pagtutulung-tulungan ng iba’t ibang ahensya na katuwang ng PNP para sa pagtitiyak ng seguridad sa taunang ulat sa bayan ng Pangulo.
Maiuugnay aniya ito sa masusing paghahanda ng mga pulis gayundin ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Philippine Coast Guard (PCG) Bureau of Fire Protection (BFP), at Quezon City LGU.
Una rito, halos 30,000 ang ipinakalat ng PNP sa buong Metro Manila para ipatupad ang kanilang security plan kaugnay ng taunang pag-uulat ng Pangulo.
Inihayag din ng PNP Chief na naging kuntento siya sa latag ng seguridad kahapon sa kabila ng ilang arestuhang nangyari kasunod ng ginawang panggugulo ng ilang militante sa lugar.