Nagpaalala ang Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa publiko na tangkiliin lamang ang mga produktong rehistrado sa Food and Drugs Administration (FDA).
Ito’y makaraang masabat ng mga operatiba ng CIDG at ng Police Regional Office 3 ang nasa mahigit 10 litro ng hindi rehistradong “cooking oil” sa Brgy. Sindalan, San Fernando City sa Pampanga.
Isinagawa ang nasabing pagsalakay sa bisa ng isang Search Warrant sa naturang imbakan ng mga hindi rehistradong mantika na nagkakahalaga ng mahigit ₱840,000 at nagresulta sa pagkakaaresto ng may-ari.
Giit ng CIDG, bawal ang pagma-manufacture, pagdi-distribute at pagbebenta ng mga produktong hindi rehistrado sa FDA para na rin sa kaligtasan ng publiko.
