Matapos ang matagumpay na SONA2026, ibinaling na ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang pagtutok sa pagtugon sa mga naapektuhan ng kalamidad dulot ng epekto ng habagat na pinaigting ng bagyong #KiyapoPH.
Ayon kay PNP Chief, Police Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., nananatili nilang prayoridad sa PNP ang kapakanan ng mga pamilyang apektado habang patuloy na nakikibahagi ang mga tauhan ng pulisya sa mga relief operation ng pamahalaan.
Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyakin ang agarang paghahatid ng tulong sa mga apektadong komunidad.
Magugunitang pinadapa ng bgyong #KiyapoPH at habagat ang ilang bahagi ng Mindanao partikular na ang Davao City.
Batay sa datos ng Office of Civil Defense (OCD), aabot sa 59,000 pamilya ang naapektuhan sa Regions IX, XI, XII, at sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Habang mahigit 10,000 katao ang napilitang lumikas mula sa kanilang mga tahanan.