Tumatak kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang bungad ng ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na nakatuon sa usapin ng umano’y anomalya sa mga flood control projects.
Partikular ito sa pahayag ng Pangulo na malapit nang magsampa ng mga kaso ang Office of the Ombudsman laban kay dating House Speaker Martin Romualdez, na pinsan ng Pangulo.
Ayon kay Dizon, malinaw itong nagpapakita ng paninindigan ni Pangulong Marcos na papanagutin ang sinumang mapatutunayang sangkot sa anomalya.
Aniya, ipinakita rin ng Pangulo na ang kanyang prayoridad ay ang interes ng bansa at ng sambayanang Pilipino, higit sa anumang personal na ugnayan.
Sa panig naman ng DPWH, tiniyak ng kalihim na magpapatuloy ang mga reporma sa ahensya at hindi titigil ang pamahalaan sa paglilinis at pagpapanagot sa mga sangkot sa katiwalian.