Photo courtesy of DSWD Field Office 1
Nagpapasalamat sa pamahalaan ang 400 na residente ng La Union matapos silang makatanggap ng tig ₱2,000 na halaga ng UPLIFT assistance mula sa pamahalaan, kahapon, July 28, 2026.
Ito’y kasabay ng nagpapatuloy na distribusyon ng naturang cash assistance, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. upang matulungan ang mga mamamayang apektado sa mga hamon.
Ayon sa DSWD Field Office 1, 285 sa mga benepisyaryo ang mula sa bayan ng Bauang, 47 sa Burgos, at 68 sa Pugo.
Inihayag ng ahensiya na ang mga benepisyaryo ay kabilang sa tinatawag na Group 2 o ang mga itinuturing na ‘poor at near-poor’ batay sa 2024 Community-Based Monitoring System (CBMS) ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Inaasahang makatatanggap ang mga benepisyaryo ng buwanang ₱2,000 na UPLIFT assistance hanggang Disyembre, kung saan, ipadadala ang cash assistance sa kanilang digital financial account. | ulat ni Glenda B. Sarac, RP Agoo