Siniguro ng Malacañang na pabibilisin ng administrasyon ang pagsasabatas sa mga panukalang isinulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA), nitong Lunes (July 27).
Ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro, ise-certify as urgent bill ang amyenda sa Electric Power Industry Reform (EPIRA) Law, upang tanggalin ang system loss charges na ipinapasa sa electric bill ng consumers.
Sinabi ni Castro, na kasama rin sa gagawing prayoridad ang mungkahing itaas ang taunang income tax exemption threshold sa ₱350,000 mula sa kasalukuyang ₱250,000.
Layon ng hakbang na ito na tulungan ang mga manggagawa at ang middle class na makaraos sa tumataas na gastusin sa pamumuhay.
Aniya, hinihintay na lamang ng Pangulo na mabalangkas ang mga panukalang batas bago ito bigyan ng sertipikasyon.
“Ang kailangan lang po kasing makita iyong mga bill. At kapag nakita po ng Pangulo ay definitely iyan po ay ise-certify as urgent.” —Castro