Muling inaabisuhan ng Cagayan Valley Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC) ang lahat ng concerned agency at ang publiko ukol sa muling pagpapakawala ng rocket bukas, July 30, ng bansang China, sa pagitan ng 8:54 hanggang 9:19 ng umaga.
Sa memo 64 na inisyu ni Chair Albert Mogol, partikular na pinapakilos ay mga regional offices ng PNP, DA-BFAR, DILG; mga commander ng PCG, Phil Navy, MBLT-10; at mga pinuno ng DRRMCs ng provincial at coastal municipalities ng Cagayan, Batanes at Isabela. Ilulunsad ng Tsina ang Long March 6a rocket nito mula sa Taiyuan Satellite Launch Center sa Xinzhou, Shanxi Province.
Tinukoy bilang drop zones ay sa 83 nautical miles (NM) sa Dalupiri Island, Calayan Cagayan; o 88 NM sa baybayin ng Babuyan Island bilang drop zone 1. Drop zone 2 naman ay sa 104 NM sa baybayin ng Burgos, Ilocos Norte, parehong sa loob ng Philippine Exclusive Economic Zone.
Kaugnay nito, ipinapayo ng konseho na sa, PCG, BFAR, DILG at iba pang maritime agencies na ipatupad ang pansamantalang maritime restrictions katulad ng pag-isyu ng notices to mariners, coastal navigational warnings o NAVAREA 9 sa mga lugar na malapit sa tinukoy na drop zones.
Pati na ang mga maliliit na mangingisda ay pinapayuhang iwasan ang eryang iyon at huwag pulutin ang anumang lumulutang na debris imbes at ipagbigay alam sa mga otoridad.