Tiniyak mismo ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na walang dapat ikabahala ang publiko sa usaping pang-kapaligiran at pang-kalikasan pagdating sa pag-arangkada ng US-led supply chain initiative na Pax Silica.
Ayon kay DENR Secretary Juan Miguel Cuna, na mahigpit ang mga ipatutupad na environmental safeguards oras na simulan na ang pagtatayo ng mga istruktura at ecozones at AI hub na konektado sa Pax Silica.
Mahigpit ang bilin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maprotektahan pa rin ang kalikasan at likas na yaman ng bansa habang isinusulong ang pagpapa-unlad pa sa bansa.
Giit ng kalihim, na magiging mahigpit ang kanilang pagbabantay kung nasusunod ba ang lahat ng environmental standards at compliance upang hindi ma-agrabyado ang natural resources ng bansa at mga komunidad na umaasa rin sa hitik na likas-yaman ng Pilipinas.
Dagdag pa ni Cuna na kakambal ng pag-usad ng Pax Silica ang mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.