Naglunsad ng magkasanib na pag-atake ang mga puwersa ng Estados Unidos at Saudi Arabia laban sa mga grupong kaalyado ng Iran sa Iraq.
Ito ay bilang ganti sa mahigit 30 na drone attack na pinangasiwaan ng Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC) ng Iran sa nakalipas na mga araw, kabilang ang pagta-target sa mga pasilidad ng langis ng Saudi Arabia.
Ayon sa ulat ng Al Jazeera, isinagawa ang retaliatory strike ng US at Saudi matapos akusahan ng US Central Command (CENTCOM) ang Iran ng pagpapakawala ng mga ballistic missile.
Tinawag itong isang “tangkang sorpresang pag-atake” laban sa mga tropang Amerikano na nakabase sa Jordan. Gayunpaman, matagumpay na naharang at nawasak ang lahat ng mga misil.
Nagbabala naman ang pamahalaan ng Iran na handa itong gumawa ng “anumang hakbang”, kabilang ang pagbabalik sa digmaan, upang mapanatili ang kontrol sa estratehikong Strait of Hormuz.
Sa gitna ng tumitinding tensyon, nagpulong sa White House sina US President Donald Trump at Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu, at inilarawan ng pamahalaan ng Estados Unidos ang kanilang saradong pag-uusap bilang “positibo at produktibo”.
(Photo Courtesy: Britannica)