Pangungunahan ng Joint Task Force na binuo ng Department of Energy ang koordinasyon sa mga stakeholders konsumers at mga sangay ng pamahalaan para sa planong pagtanggal ng Systems Loss at Value Added Tax nito sa electric bill.
Ayon sa DOE ang task force ay binubuo ng Energy Regulatory Commission (ERC), National Electrification Administration (NEA), at electric cooperatives.
Titiyakin naman ng task force na lahat ay nay partisipasyon sa mga reporma at pag-amyenda ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) Law na pinagaaralan na ngayon ng kongreso.
Ito rin ang magbibigay ng rekomendasyon sa dalawang kapulungan ng kongreso kung ano ang pinakamaayos at maganda paraan para sa pag-amyenda ng batas.
Sinisiguro naman ng task force na ang pangunahing prayoridad dito ay proteksyunan ang interes ng mga konsumer at palalakasin pa ang operasyon at long-term reliability ng power sector ng bansa. | ulat ni Louisa Erispe