Personal na tutungo sa Romania sa Lunes si DMW Secretary Hans Cacdac para alamin ang kalagayan ng mga Pilipinong seafarer na apektado ng mga pag-atake sa Northern Black Sea.
Kasama niya sa biyahe si Usec. Patricia Yvonne Caunan at isang augmentation team na makikipag-ugnayan sa mga nailigtas na seafarer.
Bisitahin din ng Department of Migrant Workers ang lugar kung saan nakalagak ang labi ng isang nasawing Pinoy para sa proseso ng pagpapa-uwi.
Sa ulat ng DMW, 236 Pilipinong seafarer mula sa 17 barko ang apektado ng mga pag-atake.
Tatlo ang nasawi, isa ang nawawala, at 89 na ang nakauwi sa bansa. Patuloy ang koordinasyon ng ahensya sa Department of Foreign Affairs (DFA), mga embahada, shipowner, at manning agencies para sa kaligtasan at repatriation ng iba pang seafarer.