Nagpaabot ng pasasalamat ang Embahada ng Japan sa Pilipinas para sa mga dasal at ipinaabot na tulong ng bawat Pilipino kasunod ng 7.1-magnitude na lindol na tumama sa Southwestern Kumamoto Prefecture sa Kyushu, Japan.
Inihayag mismo ni Japanese Ambassador to the Philippines Endo Kazuya ang malaking pasasalamat ng Japan sa Pilipinas dahil sa ipinakita nitong pagdamay at pagmamalasakit sa mga naapektuhan ng malakas na lindol sa Japan.
Giit pa ni Ambassador Kazuya na ang pagmamalasakit ng Pilipinas ay isang testamento sa patuloy na pagpapatibay ng ugnayan at relasyon ng Japan at Pilipinas.
Bagamat may mga naitalang casualties at pinsala sa mga istruktura, nananatiling manageable, ayon sa Japan, ang pinsala ng nasabing lindol.
Dagdag pa ni Ambassador Kazuya na pinalalakas pa ng Japan ang kanilang disaster preparedness measures, na handa rin nilang ibahagi sa iba pang bansa tulad ng Pilipinas, na isa sa pinakamalapit nitong kaalyado.