Photo courtesy of Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol
Umabot sa kabuuang ₱1,090,000 ang naipamahaging tulong-pinansyal sa ilalim ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) Assistance Program ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa mga mahihirap at near-poor na pamilya, sa Basud, Camarines Norte.
Ayon sa DSWD Bicol, may 545 pamilya ang nakatanggap ng tig-₱2,000 na ayuda. Ang mga benepisyaryo ay natukoy batay sa 2024 Community-Based Monitoring System (CBMS) ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa ilalim ng programa, inaasahang patuloy na makatatanggap ng buwanang ayuda ang mga kwalipikadong pamilya hanggang Disyembre bilang agarang suporta sa gitna ng idineklarang energy emergency.
Kasabay ng payout, isinagawa rin ang BBM Serbisyo (Basta Beripikado, Mabilis ang Serbisyo) authentication at UPLIFT Government-to-Person (G2P) registration, upang mapabilis ang paghahatid ng serbisyo at matiyak na ang mga tunay na benepisyaryo ang makatatanggap ng tulong.