Photo courtesy of Department of Energy (DOE)
Pinagtibay ng Department of Energy (DOE), katuwang ang International Atomic Energy Agency (IAEA), ang mga pamantayan sa pagpili ng posibleng lokasyon ng mga nuclear power plant sa bansa bilang bahagi ng pagsusulong ng ligtas at maayos na nuclear energy program ng Pilipinas.
Sa isinagawang Site and External Events Design o SEED Workshop mula July 27 hanggang 31, ni-review at pinagtibay ng DOE, Nuclear Energy Program Inter-Agency Committee, at mga eksperto ang draft siting criteria at methodology para sa Nuclear Power Plants at Small Modular Reactors.
Layunin nitong matiyak na ang pagpili ng mga posibleng lokasyon ay nakabatay sa mahigpit na pamantayan sa kaligtasan, kapaligiran, at teknikal na aspeto, alinsunod sa IAEA Safety Standards at pandaigdigang best practices.
Kaakibat ito ng layunin ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na isulong ang paggamit ng nuclear energy bilang bahagi ng pang matagalang solusyon upang matiyak ang sapat, matatag, at malinis na suplay ng kuryente sa bansa, habang inuuna ang kaligtasan ng publiko at pangangalaga sa kapaligiran.