Photo courtesy of Department of Agrarian Reform (DAR)
Nakasundo ang Cruzian Multipurpose Cooperative at Don Honorio Ventura State University Multipurpose Cooperative (DHVSU Cooperative) para bigyan ng mas matatag na pamilihan ang mga agrarian reform beneficiaries sa Pampanga.
Sa ilalim ng kasunduan ng Department of Agrarian Reform (DAR), magsu-supply ang Cruzian MPC ng bigas at iba pang produktong agrikultural sa DHVSU Cooperative.
Ayon kay DAR Provincial Agrarian Reform Program Officer II Emmanuel Aguinaldo, layunin nito na mapataas ang kita ng mga magsasaka, mabawasan ang middlemen, at matiyak ang suplay ng lokal na ani.
Bahagi ang kasunduan ng Partnership Against Hunger and Poverty Program ng DAR na nag-uugnay sa mga magsasaka at institutional buyers.
Binigyang-diin ni Aguinaldo, na nais ng programa na mabigyan ng pang matagalang kabuhayan ang mga magsasaka.