Mas mataas na ang babayaran ng mga aplikante ng South Korea visa simula sa August 25 ngayong taon, matapos ianunsiyo ng Korea Visa Application Center o KVAC ang pagtaas ng visa processing fee.
Mula sa kasalukuyang ₱900, magiging ₱1,000 na ang visa processing fee para sa lahat ng application na isusumite simula o pagkatapos ng August 25, 2026.
Nilinaw ng KVAC na ang bagong singil ay ipatutupad lamang sa mga application na matatanggap sa itinakdang petsa. Hindi nito binabago ang iba pang kinakailangang dokumento o proseso sa pag-aaplay ng South Korea visa.
Pinapayuhan ng Korea Visa Application Center ang mga aplikante na isaalang-alang ang bagong processing fee habang inihahanda ang kanilang visa application upang maiwasan ang anumang aberya sa kanilang pagsusumite.