Photo courtesy of DOST-PAGASA
Nakataas na ang Signal No. 1 sa probinsya ng Camarines Norte, ang hilagang parte ng Camarines Sur (partikular sa mga bayan ng Caramoan, Presentacion, Garchitorena, Lagonoy, Tinambac, Siruma, Goa, San Jose, Tigaon at Calabanga), at ang Catanduanes, dulot ng Tropical Depression Luis.
Base sa 5 AM forecast ng DOST PAGASA, huling namataan ang TD Luis sa layong 295 km Silangan ng Daet, Camarines Norte na may lakas ng hangin na 55 kph malapit sa gitna, at 70 kph na bugso ng hangin.
Mabagal na kumikilos ang bagyo sa Kanluran-Timog-Kanlurang direksyon.
Samantala, naglabas ng rainfall advisory ang state weather bureau kaninang alas-5:00 ng umaga.
Mula 50 mm hanggang 100 mm na ulan ang mararanasan sa mga probinsya ng Camarines Sur, Camarines Norte, Catanduanes, Isabela, Quirino, Aurora, at Quezon ngayong araw.
Ibig sabihin, posibleng magdulot ito ng localized flooding sa mga mababang lugar at malapit sa ilog, at posible rin ang landslide sa mga highly susceptible areas. Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na maging alerto at palagiang tumutok sa mga weather advisories nito.