Pormal nang binuksan ang tatlong araw na Artificial Intelligence (AI) Fest 2026 sa Lungsod ng Iloilo, August 3, sa pangunguna ng Department of Science and Technology (DOST).
Layunin ng aktibidad na ikampanya ang praktikal, etikal, at collaborative na paggamit ng Al sa pamamahala, mga industriya, edukasyon, pananaliksik, at malikhaing sektor.
Sa temang, “Building an Al-Ready Future, Together,” tampok sa festival ang mga komperensya, kompetisyon, exhibits, workshops, at policy discussions na idinisenyo para palakasin ang Al ecosystem sa bansa.
Kasama sa mga sub-events ngayong taon ay ang Al Technical Conference, Al Hackathon, PGDX – Al Expo, SineAl, Al Game On!, Al in Motion, Al Speaks, Al Connect, at Al Policy Lab.
Naging panauhing-pandangal naman sa AI Fest ngayong taon si DOST Secretary Dr. Renato Solidum Jr.
Magtatagal hanggang Agosto 5 ang aktibidad sa Iloilo Convention Center kung saan inaasahang dadaluhan ng mga partisipante mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.