Photo courtesy of Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)
Umarangkada na ngayong umaga ang pagdinig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kaugnay ng mga nakabinbing petisyon para sa taas-pasahe mula sa iba’t ibang sektor ng pampublikong transportasyon.
Isinasagawa ang pagdinig alinsunod sa direktiba ni Transportation Secretary Giovanni Lopez na repasuhin at muling kalkulahin ang mga petisyon para sa fare hike.
Pinangunahan ang pagdinig ni LTFRB Chairperson Atty. Vigor D. Mendoza II, kasama ang ilang Board Members at present din ang ilang mga transport group na may nakabinbing fare hike petitions sa LTFRB.
Layon nitong pakinggan ang mga komento at posisyon ng mga transport group at iba pang stakeholders bilang bahagi ng proseso ng board sa pagtalakay sa mga petisyon.
Una nang tiniyak ni Chair Vigor na paiiralin ng LTFRB ang pagiging patas at walang kinikilingan sa pagdinig para makabuo ng solusyong makatarungan at katanggap-tanggap sa lahat ng panig.