Pinag-iingat at pinaghahanda ng Office of Civil Defense (OCD) ang publiko sa malalakas na mga pag-ulang dala ng habagat at ng bagyong Luis.
Ayon sa OCD, ilang lugar kasi sa Luzon ang isinailalim sa Yellow Warning ng PAGASA, kabilang na ang Metro Manila, Bulacan, Aurora, Pampanga, Nueva Ecija, Bataan, Zambales at iba pang lalawigan.
Batay sa abiso ng weather bureau, inaasahang 50 hanggang 100 milimetro ng ulan ang bubuhos sa mga naturang lugar.
Samantala, habagat naman ang magpapaulan sa bahagi ng Occidental Mindoro habang uulanin mula bukas hanggang sa Miyerkules ang Zambales, Bataan.
Dahil dito, pinayuhan ng OCD ang publiko na maging alerto, umiwas sa mga bahain at landslide-prone na lugar, agad tumalima sa mga abiso ng mga awtoridad.