Nakaalerto ang Department of Social Welfare and Development Field Office I (DSWD FO I) upang matiyak ang agarang pagtugon sa mga pamilyang maaaring maapektuhan ng Tropical Depression Luis at ng pinalalakas nitong Southwest Monsoon (Habagat).
Ayon sa DSWD FO I, may naka preposisyon nang 112,338 food at non-food items (FNFIs) sa isang Regional Warehouse, dalawang satellite warehouses, at 27 active relief prepositioning areas sa iba’t ibang bahagi ng Ilocos Region.
Nakahanda ang relief supplies para sa agarang augmentation sa mga lokal na pamahalaan at mabilis na pamamahagi ng tulong sa mga pamilyang maaapektuhan ng kalamidad.
Patuloy ring binabantayan ng DSWD FO I ang sitwasyon sa rehiyon at nakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at iba pang katuwang na ahensya upang matiyak ang maagap na paghahatid ng kinakailangang ayuda at serbisyo kung kinakailangan.