📷 DSWD FIELD OFFICE 5 - BICOL REGION
Ipinamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol ang kabuuang ₱1,654,000 na Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) Assistance sa 827 pamilya sa Paracale, Camarines Norte, kabilang ang ilang Indigenous Peoples (IP), sa isinagawang payout, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maghatid ng agarang suporta sa mga pamilyang nangangailangan.
Ayon sa DSWD Bicol, tumanggap ang bawat kwalipikadong pamilya ng ₱2,000 na tulong-pinansyal bilang suporta sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan, lalo na sa patuloy na pagtaas ng gastusin dulot ng presyo ng langis.
Dagdag pa ng ahensya na ang mga benepisyaryo ay kabilang sa mga poor at near-poor na kwalipikadong indibidwal na natukoy batay sa 2024 Community-Based Monitoring System (CBMS). | Syrl Anne Luzon | RP Albay
📷DSWD FIELD OFFICE 5 – BICOL REGION