Makikipagtulungan ang Philippine National Police (PNP) sa Commission on Human Rights (CHR) sa ginagawa nitong imbestigasyon.
Ito ay may kaugnayan sa mga alegasyon ng umano’y karahasan ng mga pulis at walang basehan umanong pag-aresto laban sa 51 rallyista noong kasagsagan ng ika-5 State of the Nation Address (SONA), noong isang linggo.
Ayon kay PNP Chief, Police General Jose Melencio Nartatez Jr., bukod sa pagiging bukas sa imbestigasyon, handa rin silang magpataw ng kaukulang aksyon laban sa kanilang tauhan sakaling mapatunayang may paglabag
Subalit nanindigan ang PNP Chief na dumaan sa tama at makataong proseso ng batas ang pag-aresto sa 51 inibidwal at bahala na ang piskalya o ang korte na tumukoy sa naging hakbang ng mga pulis.
Magugunitang nanawagan ang ilang human rights at people’s organizations sa Commission on Human Rights (CHR) na magsagawa ng independent investigation sa umano’y marahas na dispersal at pag-aresto sa mga nagprotesta.