Hindi nagpatinag sa patuloy na nararanasang masamang lagay ng panahon ang National Irrigation Administration (NIA) Region I upang makapagsagawa ng clearing operations sa mga irrigation facilities sa Pangasinan.
Sa agarang pagkilos ng ahensiya sa pamamagitan ng Pangasinan Irrigation Management Office (IMO), inaalis ng mga kawani ang mga natumbang puno, naipong putik, at iba pang sagabal na nakaapekto sa mga kalsada at pasilidad ng irigasyon.
Ayon sa NIA, layunin ng isinasagawang operasyon na matiyak ang tuloy-tuloy na paggana ng mga irrigation facility.
Mahalaga ang agarang pagtugon upang maiwasan ang mas matagal na pagkaantala sa paggamit ng mga pasilidad, lalo na sa gitna ng nararanasang masamang panahon.
📷 NIA Region 1