Isinama ang pagpapababa sa presyo ng kuryente sa priority legislative agenda para sa 20th Congress.
Ang pagtatapyas sa halaga ng electric bill ay bahagi ng mga napag-usapan sa ginanap na Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) Adhoc team meeting na pinangunahan ni Executive Secretary Ralph Recto.
Bukod sa bawasan ang bayarin sa kuryente ay kasama din sa prayoridad na panukalang batas ay tax relief para sa maliliit na negosyo at tax amnesty.
Ayon kay Recto, ang ginawang LEDAC Adhoc team meeting ay preparatory session para sa full LEDAC meeting kung saan ang Ehekutibo, Senado at Kamara ay mag- uusap usap patungkol sa mga prayoridad na panukalang batas na maghahatid ng kongkretong pakinabang sa sambayanang Pilipino.
Kasama na ding dumalo sa kamakalawang meeting si Presidential Legislative Liaison Office Secretary Joey Salceda.

