Ipinagmalaki ng Malacañang ang ₱95.848 billion collection ng Bureau of Customs nuong buwan ng Hulyo.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, ito na ang pinakamataas na revenue collections mula Enero hanggang July ngayong taon base na rin sa preliminary data ng BOC.
Ang koleksiyon noong nakaraang buwan sabi ni Castro ay lagpas sa target na ₱91.526 billion at higit na mas malaki sa ₱81.18 billion na nakolekta noon namang July 2025.
Record-breaking revenue collection aniya ito ayon sa PCO official at sumasalamin sa puspusang trabaho ng BOC upang masiguro na tama ang revenue collection measures ng bansa.
Kaugnay nito’y binigyang-diin ni Castro na malaki ang papel na ginagampanan ng epektibong revenue collection gayung ito ay napupunta sa priority programs at projects ng pamahalaan.