Iminungkahi ng Department of Finance (DOF) ang pagpapataw ng wealth tax upang makatulong na mapunan ang mawawalang kita ng pamahalaan mula sa planong income tax relief para sa mga manggagawa at maliliit na negosyo.
Sa pagdinig ng House Committee on Ways and Means, sinabi ng DOF na layunin ng panukala na mas malaking ambag ang manggaling sa mga may mas mataas na kakayahang magbayad ng buwis.
Isa na rito ang pagtaas ng Excise Tax sa mga sasakyang nagkakahalaga ng mahigit walong milyong piso mula 50% sa 75%.
Kasama rin sa panukala ang pagtataas ng buwis sa mga non-essential goods mula 20% sa 25%, at pagpapalawak nito upang masaklaw ang mga pribadong eroplano at sea vessel para sa personal na gamit.
Itinutilak din ng DOF ang pagpapatupad ng Global Minimum Tax na magpapataw ng minimum na 15% na buwis sa malalaking multinational companies upang matiyak na sa Pilipinas mababayaran ang buwis sa kinikitang tubo sa bansa.
Ayon sa DOF, nakabatay ang wealth tax sa prinsipyong ang mga may mas malaking yaman at kakayahang magbayad ay dapat ding mas malaki ang ambag sa pagpopondo ng mga serbisyo ng pamahalaan.
Batay sa pagtaya ng ahensya, aabot sa ₱61 bilyon ang inaasahang revenue loss kapag maipatupad ang naturang panukala.