📷 WTA
Mainit-init pa mula sa kanyang makasaysayang tagumpay sa US lilipad agad ang Reyna ng tennis na si Alex Eala patungong Canada para sa mas mabigat at mas matinding hamon: ang Canadian Open; inaasahang sasakay agad sa kauna-unahang flight ang 21-anyos na Filipina tennis sensation upang makipag-upakan kay World No. 71 Alycia Parks ng Amerika sa Round of 64 ng prestihiyosong WTA 1000 event sa Sobeys Stadium sa Toronto sa Huwebes, August 6.
Dahil pasok na ang Pinay pride sa top 32 seeds, nakuha nito ang bye sa first round. Pero alam ni Eala na hindi ito lakad sa parke — lalo’t balak niyang bumawi kay Parks na nagpainom sa kanya ng mapait na kek (6-0, 3-6, 2-6) noong unang magtapat ang dalawa sa Australian Open nitong nakaraang Enero.
Pero iba na ang kuwento ngayon! Mas bagsik at mas matalas na ang Pinay. Mula sa pagiging World No. 49, lumipad ang ranking ni Alex papuntang career-high World No. 20 matapos pabagsakin ang mga higante sa Washington Open. Umangat din naman si Parks mula No. 99 hanggang No. 71.
💥 Daang Matinik sa Toronto
Kung makakalusot kay Parks, parang dadaan sa pagsubok ng apoy si Eala sa bracket. Posible niyang makatapat ang mga dambuhala ng tennis:
- Linda Noskova (Czech Republic) – reigning Wimbledon champion at 6th seed
- Belinda Bencic (Switzerland) – No. 12 seed
- Marie Bouzkova (Czech Republic) – No. 21 seed
- Iva Jovic (USA) – No. 13 seed at matalik niyang kaibigan
- Sloane Stephens (USA) – qualifier at dating Grand Slam champion
🔥 Taglay ang Bagsik at Tiwala sa Sarili
Bitbit ni Eala sa Toronto ang karga ng kumpiyansang hindi mababawasan matapos gulpihin ang mga bigating pangalan sa Washington para masungkit ang kanyang kauna-unahang WTA crown:
- Round of 32: Pinatumba si Paris Olympics gold medalist Qinwen Zheng ng China (4-6, 6-4, 6-1).
- Round of 16: Inalis sa trono ang Fil-Canadian na si Leylah Fernandez (6-2, 7-6).
- Quarterfinals: Pinataob ang World No. 10 na si Elina Svitolina ng Ukraine (6-3, 6-4).
- Semifinals: Winalis ang 4-time Grand Slam champion na si Naomi Osaka ng Japan (6-4, 6-2).
- Finals: Biniktima at pinaluhod ang World No. 3 at top seed na si Jessica Pegula ng Amerika sa panalong 4-6, 6-4, 6-0.
“Knowing it won’t be my last, having already achieved this feat and this milestone for my career. I know whatever would have happened after this match, it would have already been a win for me,” pahayag ni Eala na determinado pa ring magmarka nang malalim sa pangarap niyang US Open.
Pagkatapos ng laban sa Toronto, babalik uli si Eala sa Estados Unidos para sa Cincinnati Open (WTA 1000) mula Agosto 13 hanggang 23, na magsisilbing huling pampainit bago ang pinaka-aabangang US Open mula Agosto 30 hanggang Setyembre 13.
Isawawagayway uli ang bandila ng Pilipinas — laban, Alex! ###