Handa ang Commission on Elections (Comelec) sa posibilidad ng pagpaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ngayong November 2, 2026.
Ito ang inihayag ni Comelec Chairperson Atty. George Erwin Garcia sa isang press conference.
Ayon kay Garcia na kapag mayroong batas na maipasa ang Kongreso hinggil sa pagpaliban ng BSKE ay agad silang susunod dito.
Inilahad ng opisyal na tamang pagkakataon din ito para sa komisyon dahil inaasahan ang pagtaas ng mga gastusin ng Comelec sa transportasyon at logistics kapag isasagawa ang eleksyon bunsod ng pagmahal na produktong petrolyo.
Ngunit mayroon pa rin namang sapat na pondo na magagamit ang Comelec kung matutuloy at walang batas na maipapasa upang ipagpaliban ang BSKE.