Nangunguna ang dengue sa mga sakit na tumama sa mga residente ng Maynila batay sa pinakahuling monitoring ng Manila Health Department sa water-borne diseases, influenza-like illnesses, leptospirosis, at dengue
Batay sa daily report ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila at Manila Health Department mula January 1 hanggang August 6, 2026, nangunguna sa listahan ng mga naitalang sakit ang dengue na may kabuuang 2,164 na kaso.
Pumangalawa ang influenza-like illness (ILI) na may 876 na kaso, sinundan ng severe acute respiratory infection (SARI) na may 272 na kaso, at leptospirosis na may 120 na kaso.
Nakapagtala rin ng 78 kaso o nagpositibo sa COVID-19, habang umabot naman sa 63 ang kaso ng typhoid fever.
Patuloy naman ang mahigpit na pagbabantay ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila at Manila Health Department laban sa mga nasabing sakit, lalo na ngayong tag-ulan.